Sunday, February 12, 2006

Newbie

hhhmmm... eto pala ang blog, hehehe! kakainggit kasi halos lahat ng kakilala ko merong ganito, ako lang ang wala kaya gawa na din ako. naks! medyo nangangapa parin kung papano gumawa at mapaganda at maging kakaiba, sana matuto ako at sana sipagin akong mag sulat.

Ako ay naaaliw sa kadahilanang ang aking unang post ay hindi "tungkol sakin" na karamihan na ginagawa ng mga bloggers. wala lang, trip ko lang. Dito nalang yun sa pangalawa para medyo maiba.

Pagpapakilala:

Ako po ay si Mickoy, dalawampu't tatlong taong gulang. Tamad. Antukin. Sa maikling salita ay batugan. Makulit. Magulo. Maingay. Waldas. Taong walang talento sa pag awit at sa pag sayaw ngunit sa mga katangian kong ito ay meron pang mas malalim na Mickoy. Bukod sa ako ay isang likas na malakas ang dating, ako din ay isang taong may ginintuang puso para sa mga nangangailangan. Simple at swabe. Taga pakinig ng mga suliranin at hinaing sa buhay (pero hindi ako magaling sa pagpayo kaya papakinggan ko nalang kayo para mailabas nyo sama ng loob nyo ha?).

Iyan na po muna ngayon... sa paglipas ng panahon ay tiyak na mas makikilala nyo pa ako ayon sa aking mga ilalahad sa pahinang ito.

Sana ay samahan nyo ako sa aking paglalakbay sa biyaheng tinatawag nating buhay. Halika, tikman ang luto ni Mickoy, ang Langit.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home