Wednesday, May 31, 2006

The Attack of the Gadget Freak

At ang aking pagbabalik. Hindi ko mawari kung bakit ko kinailangang bumili ng bagong iPod. Sadya yatang ganito na ako. Makaraang magkaroon ng panibagong telepono mula sa Globe ay eto at wala sa sariling ako ay napabili naman ng panibagong luho... pero hindi ko pinagsisihan! He! He! He!
Panibagong dagdag sa listahan ng aking mga laruan...
  • Nokia 6020
  • Ipod Nano 4Gig Black

Ayos!

Friday, April 21, 2006

Blind item

Minsan sa buhay natin, hindi maiiwasan na uminit ang ulo at makapag bitiw ng mga salita na hindi sinasadya dahil sa bugso ng damdamin. Ito ay isang katotohanan na dapat nating tanggapin. May mga pagkakataon na nakakarinig o nakakabasa tayo ng mga bagay bagay na saktong sakto ayon sa ating personalidad o gawain. Minsan ay mabuti, minsan ay masama. Kung mabuti, nagkakaroon ng kagalakan sa ating mga puso ngunit kung masama, hindi mapigilan na magalit at halos isumpa ang nagsulat o nagsabi ng bagay na iyon. Magisip ng plano kung papano gumanti. Normal ito sa isang nilalang na tulad ko. Normal din na manghula kung sino ba ang tao na ito kung wala naman talagang kongkretong basehan kung saan o kanino nanggaling ang mga bagay na ito. Pero sa mga ganitong mga sitwasyon, kailangan ng ibayong ingat dahil baka hindi natin alam na nakakasakit na din tayo ng damdamin, damdamin ng taong inakala nating pinagmulan ng mga sabi sabi na ito. Oo at tayo ay nakatira sa isang bansang malaya. Maari nating sabihin ano man ang nais nating sabihin, pero sana isaisip na sila ay tao din gaya natin, na nasasaktan at marunong din magalit. Hindi solusyon ang ipadama din sa ibang tao ang sakit at galit na ating nadarama. Lalo na kung alam mo na ikaw ay mas nakakataas sa kanya. Na alam mong kahit papano ay mayroon kang sapat na kapangyarihan o kakayahan na makagawa ng bagay na ikakabagsak ng tao na iyong pinaghihinalaan.

Ang bagay na ito ang pinagsisimulan ng sigalot sa pagitan ng dalawang nilalang. Hidwaan na maaring pagmulan ng pagkasira ng relasyon. Lahat tayo ay nagnanais ng isang mapayapa at masayang relasyon sa kapwa natin, sa bahay man o sa trabaho. Kung mayroong nagbabadyang gulo, dapat ng ayusin sa simula palang ng hindi na pagmulan ng mga bagay na alam natin na sa bandang huli ay pagsisisihan natin. Pagusapan at linawin. Sabihin ang lahat ng nararamdaman. Gumawa ng paraan ng maayos. Ipaalam sa kinauukulan. Ipanumbalik ang dating masaya at kaaya ayang relasyon. Lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan.

Sana kung tayo ay makakatanggap ng mga ganitong opinyon, isipin nalang natin na ito ay para din sa ikabubuti natin. Para tayo ay magbago at maituwid ang mga maling bagay na ating ginagawa, mga bagay na ating nakasanayan na. Dahil hindi lahat ng mabuti sa iba ay mabuti sa lahat. Sana isipin natin ang mas nakakarami.

Sa mga taong aking nasaktan, ipagpaumanhin nyo po ang minsang katabilan ng aking dila. Sa mga taong naniniwala sa akin, maraming salamat sa suporta at sa hindi pag iwan sakin sa mga panahong kailangan ko kayo. Sa aking "Boss", maraming maraming salamat sa pag unawa. Sa lahat lahat ng aking nagawa na hindi kanais nais at nagdulot ng sama ng loob sa inyo, Humihingi ako ng tawad.

Ikinagagalak ko na ayos na ang mga bagay na ito sa pagitan natin, na sana ay ito na ang simula nang mas mabungang pakikitungo sa pagitan nating dalawa. Pero isa lang ang hindi ko ihihingi ng tawad, ang bagay na kahit minsan ay hindi ko ginawa. "Hindi po ako ang nagkakalat ng mga tsismis na ito".

Saturday, April 01, 2006

Connecting People

Mga tao nga naman, hindi marunong makuntento sa buhay. Hay...
  • Nokia 909
  • Motorola Microtac
  • Motorola GSM
  • Nokia 5110
  • Nokia 3210
  • Nokia 3310
  • Nokia 6210
  • Nokia 8250
  • Nokia 5510
  • Nokia 5210
  • Nokia 8850
  • Nokia 8890
  • Sony Ericsson t68i
  • Nokia 7650
  • Sony Ericsson p800
  • Nokia 6600
  • Nokia 3200
  • Nokia 6220
  • Nokia 6230
  • Sony Ericsson k700i
  • Nokia N-Gage
  • Nokia 6630
  • Motorola Razr V3
  • Nokia N70

Sana lumabas na yung Sony Ericsson k800i. He! He! He!

Monday, March 13, 2006

Orcs in the City

Carnap! In this building's parking lot!
FUCK! FUCK! FUCK!

I never thought that Orcs are already in the city.
DAMN YOU MOTHER FUCKERS!!!

Wednesday, March 01, 2006

Kalungkutan...

Naninibugho ang aking damdamin. Pakiramdam ko ay malapit na akong mapuno. Ano mang oras ay bibigay na ang aking katawan sa damdaming aking kinikimkim at hindi mailabas kanino man. Ako ay nangungulila sa mga taong mahalaga sa aking buhay. Pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako sa laban ko.

Perfect 6: Kailan tayo muling mabubuo?

Sgt. Cody: Halik at yakap mo ay siguradong ikagagalak ko.

E-mon: Matalik kong kaibigan, pakinggan mo ang samo ko.

Sana ay narito kayo sa piling ko ngayon, pumapawi ng aking lumbay at luha. Kahit hindi man tayo nagkikita, lagi nyong isasaisip na hindi kayo nawawaglit sa aking isipan. Tanging kayo ang aking hugutan ng lakas. Nasaan na kayo? Hinahahanap-hanap kayo ng aking pusong nagdurugo. Alam ko, tayo ay magkakasamang muli. Dalangin ko lamang na sa pagdating ng araw na iyon ay hindi na tayo magkakahiwalay pa.

Wednesday, February 22, 2006

Malansang Isda


May mga taong nakabasa ng aking blog na nagsasabing bakit daw sa wikang tagalog ko inihahayag ang aking mga saloobin. Madaming rason kung bakit ito ay aking ginagawa. Isa sa mga ito ay sa kadahilanang pagod na ang aking isipan at bibig sa kasasalita ng wikang ingles sa aking hanap-buhay. Sa araw-araw na ginawa ng Poong Maykapal ay puro salitang ingles nalang ang aking sinasambit. Ako ay isang tunay na makabayan na mapagmahal sa aking lupang sinilangan kaya aking buong pusong niyayapos ang wikang filipino. "Ang taong hindi magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda." Ito ay tumatak sa aking isipan mula nang ako ay musmos pa. Kanya kanya lang siguro tayo ng saloobin. Tulad din ng naisulat ko sa nakaraan, nais kong maging kakaiba ang pahinang ito at ang pagsusulat sa tagalog ay isa sa aking mga paraan. Hindi ko sinasabi na patuloy na magiging ganito ang tema ko. Kunsabagay, ito ay aking personal na pahina. Mayroon akong lubos na kalayaan na ihayag ang aking saloobin sa anumang paraan na aking naisin.

Sa mga ibang tumutunghay nito, huwag kayong mag alala dahil hindi ko naman pinaplano na mananatiling ganito ang aking blog dahil wika nga ng iba, "Nothing is permanent. The only constant thing in this world is change." Kung inyong mapapansin ay meron din akong mga isinulat sa wikang ingles, may mga salitang aking isiningit para mas madaling maintindihan at dahil na din sa hindi ko alam ang katumbas na tagalog ng mga salitang ito. He! He! He! Mayroon ding mga salitang banyaga na tuluyan ng naging bahagi ng wikang filipino at patuloy parin na niyayapos at tinatanggap. Maaari nyo ding sabihin na hindi ako magaling sa wikang ingles. Alam ko ang katotohanan na iyon at tanggap ko. Abangan nalang natin sa mga darating na araw ang iba pang mga kabanata... minsan ay masarap din na maging impormal. Sa mga nagwiwika naman na nagugustuhan nila ang aking pananagalog, marami pong salamat.

Thursday, February 16, 2006

Attention!


Mga taong kulang sa pansin:

  • Tumatawa ng walang dahilan.
  • Sumigaw sa loob ng silid habang lahat ay abala sa pag aaral.
  • Tatayo sa harapan ng wala namang sasabihin.
  • Makikipag talo sa isang diskusyon na alam nyang talo naman sya at maghahamon pa ng away.
  • Humihiyaw ng "HINTAY!" eh wala namang aalis.
  • Hindi makapaniwala sa mga perpekto kong grado ng araw na ito sa lahat ng pagsusulit.
  • Magaanunsyo na manlilibre ng pagkain sa buong grupo eh hindi naman pala.
  • Tatanungin ang lahat kung pwedeng umutang.
  • Nawalan ng pitaka sa loob ng bag na nakalagay mismo sa kanyang harapan.
  • Nawalan din daw sya ng pitaka nung isang araw.

Kawawa naman sila. Hindi maarok ng aking isipan kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na ito. Hiling ko lang na sana sa mumunti nilang mga paraan ay nakuha nila ang atensyon na hinahanap nila at kahit papaano ay nagdulot ito ng ibayong kaligayan sa kanilang kalooban. Tunay nga na ang ibig sabihin ng K.S.P. ay "Kulangot Sa Pader!" Nakakadiri!